ALTERNATIVE DELIVERY MODALITIES TO START ON JUNE 18, 2026

    BASAHIN | Hindi nangangahulugan na awtomatikong face-to-face classes ang pagbabalik-klase. Ang mga school heads ang magpapasya sa pinakaangkop at pinakaligtas na learning modality, kabilang ang modular, online, blended, o face-to-face learning, depende sa kalagayan ng kanilang paaralan.

    Simula Hunyo 18, 2026, inalis na ng Local Government Unit of General Santos City ang suspensyon ng mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan alinsunod sa Executive Order No. 38, Series of 2026.

    Ang unang tatlong (3) araw ng klase ay ilalaan sa Psychosocial First Aid (PFA) at iba pang recovery activities upang matulungan ang mga mag-aaral at kawani ng paaralan sa kanilang pagbangon matapos ang lindol.

    Mangyaring sundin ang mga abiso ng inyong paaralan hinggil sa ipatutupad na learning modality.
    (CPIO/KAG/RSC)

    #DepEdGensanLGU GenSan: TATAK Heneral